Abstract
Ito ay pag-aaral sa ibat-ibang form ng nawn preys sa isla ng Biri, Northern Samar. Ang balidasyon, muling pagsusuri, at pag-aanalisa sa mga datos ay ginawa mismo ng mananaliksik bilang taal na mananalita ng Biri-Waray. Inilimita lamang ang pagsusuring ito sa mga fityur at istraktyur ng nawn at mga konstityuwent na bumubuo sa nawn preys sa Biri-Waray. Ang analisis sa pag-aaral na ito ay ibinatay lamang mula sa nakalap na datos mula sa siyam na informant na nagmula sa walong (8) barangay (Poblacion, Sto. Nino, Progress, Pio Del Pilar, Causwagan, MacArthur, San Pedro, at San Antonio) ng munisipalidad ng Biri. Batay sa ginawang pagsusuri, ang NP sa Biri-Waray ay isang preys na maaaring: (1) binubuo ng marker, pronawn, kwantifayer at adjektiv na kumakatawan bilang hed ng nawn, at (2) binubuo ng nawn bilang hed at sinusundan ng mga konstityuwent na nagsisilbing modefayer. May mga form ang NP sa Biri-Waray na binubuo ng mga marker at nawn na kung saan ang marker ang nagpapakilala sa gamit at relasyon sa iba pang mga konstityuwent sa loob ng sentens. May kaibahan ang mga form ng NP ng Biri-Waray sa wikang Tagalog at iba pang mga Bisayan na mga dayalekto kapag binubuo ang NP ng posesiv pronawn + nawn (possessed) dahil hindi nagyayari ang pagkakabit ng ligatyur bilang pang-ugnay. May mga NP rin sa Biri-Waray na nabubuo sa pamamagitan ng relatibisasyon. Sa pamamagitan nito, nangyayari ang pagkatanggal sa nawn na minomodify ng predikeyt na hindi nawn at relativizer na at ang predikeyt na hindi nawn ang sumusunod sa nominativ marker an ‘ang’. Ang pag aaral na ito ay nakitang kahalagahan ng pagsusuri na magagabayan higit lalo na ang mga hindi taal na mananalita ng Biri-Waray sa pag-unawa sa gramatikal na istukrtura ng naturang wika.