Kritike 4 (1):28-49 (
2010)
Copy
BIBTEX
Abstract
Maraming paraan ang pagsusuri sa problema ng pulitika sa Pilipinas. Para sa mga moralista at ideyalista, halimbawa, maaari itong tingnan gamit ang perspektibo ng sistema ng pagpapahalaga at moralidad; para sa mga materyalista naman, maaari din itong himayin gamit ang perspektibo ng pagka-di-pantay-pantay ng kayamanan at kapangyarihan ng ating mga mamamayan; o hindi kaya para sa mga eksperto sa sistema at istraktura, maaari din itong dalumatin gamit ang perspektibo ng ating marupok na burukrasya. Susubukan ng papel na ito na pag-aralan ang paksa sa pamamagitan ng pagsusuri sa konsepto ng pamumuno na hinihiling ng ating demokratikong sistema at sa kaparehong konseptong umiiiral naman sa kamalayan ng ating mga kababayan. Gagamitin ng pagsusuring ito, bilang teoretikal na balangkas, ang isang uri ng antropolohikal na teorya at pamamaraan na kilala bilang “kognitibong antropolohiya”